
AN APPEAL FOR SUPPORT October 23, 2000 Sa kasaysayan ng politika sa ating bayan marami and lunitaw, lumubog at naging ugat sa pumumuno ng ating pamahalaan. Maraming panahong nanatili sa pwesto, umabot ng maraming dikada, naging maayos at napanatiling buhay ang kanilang pangalan sa mga tao. Dumating ang sandaling ang panungkulan ay ipagkatiwala sa iba at umaasang ipagpapatuloy ang magandang sinimulan. Ako ay isa lamang sa nagnanais na makapaglingkod sa ating bayan. Matagal kung pinag-isipan ang mag bagay na ito, mga katanungang hinubog sa aking kaisipan at humanap ng tamang kasagutan upang maisakatuparan ang adhikaing ito. Maraming araw at gabi ang aking inalagaan upang pagnilay-nilayan ang katatagan ng aking paniniwala na panahon na upang ako'y mkilahok sa susunod na halalan kung saan ang demokrasya at katapatan ay pinaiiral. Ang mga sumusunod na mga katanungan ang aking naging batayan upang isulong at ipagpatuloy and aking pangarap na makapaglingkod as ating bayan.
OO, kaya kung gampanan, isaayos, isakatuparan at paghusayin pa ang pamamalakad ng ating bayan. Kaya kung hubugin pa sa kaunlaran, kagandahan, kasaganaan at kaaya-aya ang ating bayan. Ako, tulad ng aking mga kababayan ay naghahanap ng pagbabago, mabuti at matatag na gobyerno. Iisa lang ang ating pananaw, ang makita at malasap ang tunay at tamang pamamalakad ng ating pmahalaan, Magtulungan tayo, suportahan at itaguyod ang aking adhikaing makapaglingkod sa ating bayan, IKAW, AKO, SILA, TAYONG LAHAT. Lubos akong umaasa at nanalig na sa pagkakataong ito ang sambayanang Sibalenhon ay magbubuklod, magkakaisa at magtutulungan para sa magandang hinaharap. At kung sakaling bigyan ako ng pagkakataong ipagkatiwala as akin ng Sambyanang Sibalenhon ang hiram at pansamantalang kapangyarihan bilang Punong Bayan ng Sibale, buong puso kong ipinapangako sa Poong Maykapal, sa ating Saligang Batas, sa Sambayanang Sibalenhon, na gagampanan ko ang aking tungkulin ng walang pag-iimbot at pag-aalinlangan, ng buong katapatan, may dedikasyon, malasakit, pagmamahal at may takot sa Diyos. Ang lahat ng ito ay mangyayari lamang sa tulong ninyong lahat. Maraming salamat po sa inyong tulong at nawa'y patnubayan lagi kayo ng ating Poong Maykapal. DIOSING (DFA)
FALLARME ATILLANO |